Ang kwento ay tungkol sa pagtupad ng mga pangarap- pati na rin ang di inaasahang pagtatagpo ng tadhana sa pag-ibig. Si Ely (Daniel Padilla) ay isang binata na pumunta sa Barcelona, Spain upang tuparin ang kaniyang pangarap na maging isang arkitekto. Sa gitna ng kaniyang paglalakbay sa Barcelona, natagpuan niya si Mia (Kathryn Bernardo). Si Mia ay isang babaeng may madaming plano at pangarap sa buhay. Siya rin ay may di kanais-nais na karanasan noon. Sa kanilang pagtatagpo sa Barcelona, nabago ang ihip ng hangin.
Kuwento:
Ang kwento ay masasabing hindi napapanahon dahil lahat ng tao may pangarp na tutuparin. Saang lugar, ibang tao, anong oras, pwedeng magbago ang iyong kapalaran.
Tema/ Paksang Diwa:
Ang pinakapuso ng kwento ay masasabing nakatuon sa pagtupad ng iba't ibang pangarap at paghahanap ng pag-ibig.
Pamagat ng Pelikula:
Naaayon ang pamagat sa kwento dahil may pag-iibigang naganap sa pelikula. Parehong nag-iibigang ng lubusan si Mia at Ely dahil pareho din pala ang kanilang pangarap sa buhay-- ang matupad ang kanilang pangarap na ninanais.
Pagganap ng Tauhan:
Naganap ng maayos nila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang kanilang role sa kwento. Naaangkop ang kanilang edad sa mga mabibigat na role.
Diyalogo:
Makatotohanan naman ang pelikula dahil nangyayari ito sa totoong buhay at maraming nakarelate sa kwento.
Cinematography:
Kung ikukumpara ang pelikula sa noon ant ngayon, malaki ang pinagbago dahil fresh-faced at magaling umarte ang mga artistang kinuha sa role.
Iba pang Aspektong Teknikal:
Sakto lang ang musika sa tagpo at paksa. Naaayon naman ang theme song na "I'll never Love this way Again" dahil ito talaga ang tumatak sa bawt puso ng manonood.
No comments:
Post a Comment